![]()
Idineklara ng PAGASA na nagsimula na ang Northeast Monsoon o Amihan season.
Ginawa ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando ang anunsyo kahapon, kasabay ng pagtiyak na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon sa gitna ng Amihan at El Niño phenomenon.
Inihayag ng state weather bureau na sa mga susunod na buwan, inaasahang mararamdaman sa malaking bahagi ng bansa ang Amihan na magdadala ng mas malamig na panahon at mas masungit na lagay ng karagatan.
Maaari ring maka-impluwensya sa lagay ng panahon ang shear line, mga bagyo, at Intertropical Convergence Zone.
Ipinaliwanag ni Servando na magdadala ang Amihan ng malamig na hangin, subalit asahan ang mas kaunting pag-ulan bunsod ng El Niño.
Sa kabila aniya ng umiiral na El Niño, asahan pa rin ng bansa ang malamig na hangin simula Nobyembre hanggang Enero.
