Umabot na sa ₱4.31-T o 81.9% ng 2023 National Budget ang nai-release na ng Department of Budget and Management hanggang noong katapusan ng Marso.
Ayon sa DBM Status of Allotment Releases report, ₱954.4-B mula sa ₱5.268-T peso budget ngayong taon ang nananatiling undistributed.
Ang bilis ng pag-release ay mas naka-ungos ng 69.4% rate kumpara noong katapusan ng Marso ng nakaraang taon.
Ang mga ini-release para sa government agencies at departments ay nagkakahalaga ng ₱2.95-T, para sa utilization rate na 93.8%
Ang special purpose funds naman ay umabot na sa ₱147-B o 28.6% ng budgeted funds ngayong taon habang ang releases para sa automatic appropriations ay ₱1.07-T o 66.4% ng kabuuang pondo.