![]()
Hindi pa rin bumabalik sa normal ang kalidad ng hangin sa Metro Manila simula nang masunog ang Navotas landfill, batay sa datos ng Philippine Space Agency (PhilSA).
Sinabi ng PhilSA na hanggang kahapon, April 23, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpapatuloy pa rin ang “smoldering conditions” onsite.
Nagsasagawa ang PhilSA ng daily monitoring ng satellite data simula nang sumiklab ang sunog sa Navotas landfill noong April 10.
Batay sa daily monitoring ng nitrogen dioxide concentration sa Metro Manila na sinusukat tuwing 8:45 a.m., mas mataas pa rin ang lebel nito kumpara noong April 6, bago ang sunog.
Ang nitrogen dioxide ay isang pollutant na na-produce mula sa sunog at isang component ng usok.
