dzme1530.ph

Alden Richards at Julia Montes, bibida sa bagong pelikula

Magsasama sa unang pagkakataon sina Alden Richards at Julia Montes para sa upcoming movie na “Five Break-ups and a Romance.”

Sa media conference, inanunsyo ang pagtatambal ng dalawa sa bagong pelikula na idi-direk ni Irene Villamor sa ilalim ng CS Studios ng Cornerstone Entertainment, Myriad, at GMA Films.

Nabatid na kukunan ang mga eksena ng pelikula nina Alden at Julia sa Singapore.

Matatandaang noong Disyembre ay nagpahapyaw na ang aktres sa isang interview na plano niyang maging mas aktibo sa acting ngayong 2023.

About The Author