![]()
Nagkasundo ang mga lider ng Israel at Lebanon para sa sampung araw na ceasefire, ayon kay US President Donald Trump.
Sa nakalipas na anim na linggo ay maigting ang bakbakan ng Israel at Iran-backed armed group na Hezbollah sa southern Lebanon.
Kinumpirma ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kanilang partisipasyon sa truce.
Gayunman, pananatiliin aniya ng kanilang tropa ang 10-kilometer security zone sa katimugang bahagi ng bansa.
Inihayag naman ng Hezbollah na dapat isama sa ceasefire agreement ang “comprehensive halt to attacks” sa buong Lebanon at “no freedom of movements for Israeli forces.”