![]()
Magsasanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Lumagda sina DepEd Secretary Sonny Angara at DPWH Secretary Vince Dizon sa kasunduan para sa implementasyon ng Basic Education Facilities Program para sa fiscal year 2026.
Sa ilalim ng kasunduan, pabibilisin ang mga hakbang upang matugunan ang backlog sa classrooms sa mga pampublikong paaralan.
Target ng Education Department na maumpisahan ang konstruksyon ng 20,000 classrooms ngayong 2026.
Sa pagtataya ni Dizon, inaasahang 9,000 classrooms ang matatapos ng DPWH ngayong taon, kabilang na ang 4,000 na sinimulan noong 2025.
