dzme1530.ph

SAHOD NA MAY DIGNIDAD, PATULOY NA IPAGLALABAN NG MGA GURO; HINDI SAPAT ANG PROMOSYON LANG

Loading

Binigyang-diin ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na hindi sapat na mabigyan lamang ng promotion ang mga guro.
 
Sa gitna ito ng patuloy na promosyon ng pamahalaan sa mga public school teachers, sa ilalim ng expanded career progression program.
 
Inamin ng TDC na bagaman nakatutulong ito sa professional growth ng mga guro, hindi naman ito sapat upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
 
Sinabi ng grupo na marami pa ring mga guro ang baon sa utang at paulit-ulit lamang itong nangyayari.
 
Nangangahulugan ito na hindi talaga sapat ang kanilang kinikita kumpara sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan.
 
Dahil dito, tiniyak ng TDC na patuloy nilang ipaglalaban ang “sahod na may dignidad,” partikular ang pagsasabatas ng 15,000 pesos across-the-board salary increase para sa public school teachers.

About The Author