dzme1530.ph

HALOS KALAHATI NG MGA PINOY, TUTOL SA PAGBASURA NG KAMARA SA IMPEACHMENT LABAN KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Halos kalahati ng mga Pinoy ang hindi pabor sa pagbabasura ng mababang kapulungan ng Kongreso sa impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Sa survey ng WR Numero Research, 46 percent ng mga respondents ang hindi pabor sa naging aksyon ng Kamara habang 33 percent ang pabor at 22 percent ang walang alam sa isyu o undecided.
 
Ginawa ang survey sa 1,200 respondents noong Marso.
 
Samantala, sa kaparehong survey, 53 percent ang nagsabi na hindi pabor sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sa mga respondents, 46 percent ang nagsabi na kulang ang kanilang kaalaman hinggil sa mga ebidensya at basehan ng mga reklamo.

About The Author