![]()
KINUMPIRMA ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson na agad nilang ipatatawag sa pagdinig kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects si dating Cong. Zaldy Co.
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nadakip ang dating kongresista sa Czech Republic
Iginiit ni Lacson na oportunidad ito sa kumite upang ipatawag si Co para magbigay linaw sa mga alegasyon kaugnay sa flood control projects.
Sinabi ni Lacson na idaraan nila ang imbitasyon kay Co sa korte dahil may kaso ito ay pending warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa dating kongresista.
Ipinaalala ng senador na naisyuhan na rin ng show cause order si Co noong Enero makaraang hindi tumugon sa subpoena laban sa kanya.
Matatandaang sa partial report ng Senate Blue Ribbon Committee, inirekomendang imbestigahan sa kasong katiwalian si Co at iba pang indbidwal na nagsamantala sa mga proyekto.
