dzme1530.ph

PAGSAULI NI VP SARA SA 73.287 MILLION PESOS NA DISALLOWED CONFIDENTIAL FUNDS, IPINANAWAGAN

Loading

Hinimok ni La Union Rep. at Deputy Speaker Paolo Ortega V si Vice President Sara Duterte na isauli na ang P73.287-M disallowed confidential funds.
 
Yan ang panawagan ni Ortega, endorser ng 4th impeachment complaint kasama si Manila Cong. Benny Abante Jr., kay VP Sara kung talagang nais nitong ipakita ang kanyang pananagutan bilang public servant.
 
Sa hearing ng House Committee on Justice noong Martes, kinumpirma ng COA na “denied” ang apila ni VP sa inilabas na Notice of Disallowance No. 2024-002-100 covering confidential expenses ng OVP mula Dec. 21 to 31, 2022.
 
Ang pinababalik na halaga ay kinapapalooban ng P69.787-M na ginamit diumano sa rewards, at P3.5-M na ipinambili ng lamesa, upuan, computers, at printers.
 
Una nito, ang disallowance ay nag-ugat sa natuklasan ng COA na noncompliance sa Joint Circular 2015-01, na siyang batayan sa paggamit sa confidential at intelligence funds.

About The Author