dzme1530.ph

MGA KASO NG MURDER AT RAPE, BUMABA KASUNOD NG PAGPAPATUPAD NG “SAFER CITIES” INITIATIVE

Loading

Ibinida ng PNP na bumaba ang mga kaso ng murder, homicide, physical injuries, at rape, kasunod ng implementasyon ng kanilang “Safer Cities” initiative sa Metro Manila.
 
Sa press briefing, sinabi ni PNP Directorate for Operations Acting Director Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr. na ikinumpara nila ang datos bago at matapos ipatupad ang programa.
 
Partikular aniya mula March 28 hanggang April 5 at mula April 5 hanggang April 10.
 
April 6 nang ianunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas mahigpit na implementasyon ng ban sa pag-inom ng alak sa mga kalye, curfew, paglabas ng bahay ng walang damit pang-itaas, at iba pang mga ordinansa sa ilalim ng Safer Cities initiatives.

About The Author