![]()
Pumanaw na ang acclaimed indie film actress na si Sue Prado, sa edad na 44.
Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si May Shareen Prado, sa pamamagitan ng Facebook.
Gayunman, hindi sinabi kung ano ang cause of death ng aktres.
Nakilala si Sue sa kanyang trabaho sa independent cinema at telebisyon, kung saan nagkaroon siya ng steady career bilang character actress.
Pamilyar ang kanyang presensya sa maraming Cinemalaya festivals, at kabilang sa kanyang most notable films ay ang “Oro,” “Barber’s Tale,” “Thelma,” at “Dagsin.”
