![]()
Hindi magpapadala sa pressure si Prime Minister Keir Starmer para sumali ang United Kingdom sa digmaan sa Iran.
Reaksyon ito ni Starmer matapos sabihin ni US President Donald Trump sa interview na maaaring mabago ang US-UK trade deal na nilagdaan noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ng UK Prime Minister sa parlamento na hindi nila ito gyera para makisawsaw.
Nanindigan si Starmer na hindi kasama sa kanilang national interest ang makigulo, kaya hindi nila ito gagawin.
Tiniyak din nito na hindi magbabago ang kanyang isip at alam niya kung saan sila nakalugar, malayo sa kaguluhan.
