![]()
Naghayag ng interes ang Maharlika Investment Corporation (MIC) sa oil storage buildout at grid upgrade bilang solusyon sa fuel crises.
Sa 13-panel Legislative Energy Action and Dev’t Joint Committee hearing, inilahad ni MIC President at CEO Rafael Consing Jr. ang anila “three levels of solutions,”
Sa pag-aanalisa sa problemang idinulot ng Middle East crisis, unang problema ay short term, ang kakulangan ng working capital para makabili ng refined fuel sa mataas na presyo.
Iprinisinta ng MIC ang consortium model na magpapalaki sa storage capacity ng walang market risk.
Ayon kay Consing may on-going discussion sila sa PNOC para sa magbigay ng lupa o assets para sa Maharlika at private investors para sa tank farms at pribadong sektor ang mag-papatakbo.
Sa long-term fix, kailangan bawasan ang exposure sa diesel sa paraan ng pagtatayo ng electricity infrastructure sa lugar na heavily dependent sa fossil-fuel power.
Ang kanila umanong investments ay naka sentro sa electricity infrastructure, distribution, transmission para bukas ito maging sa maliliit na investors.
