dzme1530.ph

“COORDINATED AND UNIFIED RESPONSE” SA ENERGY CRISIS, IPINANAWAGAN NI PANGULONG MARCOS SA MGA KARATIG BANSA SA ASYA

Loading

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga karatig bansa sa Asya na magkaroon ng coordinated at unified response sa energy crisis na dulot ng kaguluhan sa Middle East.
 
Sa kanyang intervention sa Asia Zero Emission Community (AZEC) Plus online summit kahapon, binigyang-diin ni Marcos ang mga hakbang ng gobyerno upang mapagaan ang epekto ng krisis.
 
Kabilang dito ang pagdedeklara ng state of national energy emergency at pag-activate sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program.
 
Gayunman, aminado ang Pangulo na hindi sapat ang mga naturang hakbang para makayanan ng isang bansa ang epekto ng krisis, kaya kinakailangan ngayon ng coordinated at unified response.
 
Ang AZEC ay isang “platform for cooperation” patungo sa carbon neutrality at net-zero emissions sa rehiyon, na sinimulan ng Japan, ka-partner ang iba pang bansa, gaya ng Australia, Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam.

About The Author