![]()
Happy, peaceful, and supported ang nararamdaman ni Janine Gutierrez sa relasyon nila ng award-winning actor na si Jericho Rosales.
Sinabi ng aktres na kapag silang dalawa lamang ni Jericho ay masaya sila at komportable.
Aniya, sa kanilang rest days sa lock-in shoots sa Iloilo, mas pinipili nila ng aktor ang tahimik at meaningful time na magkasama.
Ibinahagi rin ni Janine kung gaano ka-supportive ang aktor, lalo na pagdating sa kanyang trabaho at personal milestones.
Masaya rin aniya si Jericho nang tanghalin siya ng Esquire Philippines bilang “Sexiest Woman Alive.”
