dzme1530.ph

Kaligtasan ng OFWs sa Taiwan, tiniyak

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na ligtas ang mga Overseas Filipino Workers sa Taiwan bagama’t may nakahanda ding contingency plan ang kagawaran sakaling lumala ang tensiyon sa lugar.

Ang pagsiguro ay ginawa ng naturang tanggapan matapos maglabas ng hindi magandang pahayag ang embahada ng China sa bansa patungkol sa mga OFW natin doon.

Samantala, nagpahayag naman ng paniniwala si DFA Usec. Eduardo de Vega, hindi maaano ang ating mga mangagawa sa taiwan dahil importante ang presensiya ng mga manggagawang Pilipino sa abroad.

 

About The Author