dzme1530.ph

Isang linggong water service interruption, sinimulan na ng Maynilad kahapon

Sinimulan na ng Maynilad ang pagpapatupad ng isang linggong water service interruption na inaasahang magtatagal hanggang sa April 23.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Pasay sa Metro Manila, at Bacoor at Imus sa Cavite.

Sa advisory ng Maynilad, posible namang mapaaga na maibalik sa normal ang serbisyo ng tubig sa mga naturang lugar sa April 22.

Ipinaliwanag ng water concessionaire na ang service interruption ay bunsod ng paglilinis ng filters sa Putatan Water Treatment Plants.

Idinagdag ng Maynilad na unti-unti nang bumababa ang turbidity level ng raw water sa Laguna Lake simula nang magtapos ang Amihan season, subalit tumagal ang proseso kaysa inaasahan kaya kinailangang palawigin din ang kanilang maintenance activities sa mga planta.

About The Author