dzme1530.ph

PALASYO, NANGAKONG PANANAGUTIN ANG MGA NAGPAKALAT NG PEKENG BALITA NA MAGKAKAROON NG ENERGY LOCKDOWN

Loading

Kakasuhan ng Malacañang ang mga indibidwal na nagpakalat ng fake news tungkol sa umano’y pagpapatupad ng lockdowns ng pamahalaan bunsod ng problema sa supply ng petrolyo at pinakabagong variant ng COVID-19.

 

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na mananagot sa batas ang mga gumagawa ng kuwento at nagpapakalat ng maling balita online para samantalahin ang sitwasyon sa gitna ng kasalukuyang energy landscape.

 

Binalaan ni Gomez ang publiko na ang paglalathala ng pekeng balita ay may parusa na hanggang anim na buwang pagkabilanggo sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code.

 

Doble naman, o aabot sa hanggang isang taon ang parusa kapag sa online ginawa ang paglabag, alinsunod sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act.

 

Dagdag ng kalihim, ang pagpapakalat ng disinformation ay nagpapahina sa tiwala ng publiko, nagpapabagsak sa ekonomiya, at banta sa kapakanan ng bawat Pilipino kapag may energy emergency.

About The Author