dzme1530.ph

Lionel Richie at Katy Perry, kabilang sa mga magtatanghal sa koronasyon ni King Charles III

Kabilang sina Lionel Richie, Katy Perry at Adrea Bocelli sa mga magpe-perform sa isang concert kaugnay ng koronasyon ni King Charles III sa London.

Ang televised coronation concert ay gaganapin sa grounds ng Windsor Castle sa ika-7 ng Mayo, isang araw matapos opisyal na koronahan si Charles bilang hari.

Itinuturing ng British Broadcasting Corporation ang coronation bilang “Once-in-a-Generation Occasion” at tinawag ang concert line-up na “World Class.”

Gayunman, may mga lumabas na report na ilan sa malalaking pangalan, gaya nina Adele, Elton John, Harry Styles, at Spice Girls ay tumanggi sa gig dahil umano sa conflict schedule.

About The Author