dzme1530.ph

Top 2 individual awards sa 2023 PBA Governors’ Cup, nasungkit nina Rondae Hollis-Jefferson, Christian Standhardinger

Nasungkit nina Rondae Hollis-Jefferson ng TNT at Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra ang Top 2 Individual Awards sa 2023 PBA Governors’ Cup.

Itinanghal si Hollis-Jefferson bilang best import makaraang pangunahan ang Tropang Giga sa finals, at makapagtala ng kabuuang 1,147 points, kabilang ang 619 points mula sa statistics, 457 mula sa media at 71 mula sa players.

Pumangalawa naman si Justin Brownlee ng Ginebra na nakakuha ng 966, sumunod sina Cameron Clark ng San Miguel, 610; at KJ Mcdaniels ng Meralco, 573.

Samantala, si Standhardinger naman ang ‘’Best Local Player’’ makaraang itanghal na ‘’Best Player of the Conference’’.

Nakakolekta ang Filipino-German Cager ng 1,110 points sumunod sina RR Pogoy ng TNT na may 672; CJ Perez ng San Miguel, 561; Scottie Thompson, 497; at Jamie Malonzo, 456.

About The Author