dzme1530.ph

11 katao, patay nang mahulog ang sinasakyang tractor trolley sa India

11 ang patay habang 28 iba pa ang nasugatan makaraang mahulog sa tulay ang sinasakyan nilang tractor trolley sa Uttar Preadesh sa India.

Ayon sa pulisya, iigib ng tubig ang mga biktima mula sa Garra River na gagamitin para sa religious gathering nang mangyari ang trahedya sa Shahjahanpur District.

Agad namang rumesponde ang mga rescuer makaraang makatanggap ng distress call at isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatan.

About The Author