dzme1530.ph

MOTORCYCLE ENDURANCE CHALLENGE, PINAHIHIGPITAN NG MGA SENADOR DAHIL SA MGA AKSIDENTE

Loading

KASABAY ng pagsusulong na palakasin ang motorcycle tourism, iginiit nina Senador Raffy Tulfo at JV Ejercito ang pangangailangang higpitan ang mga patakaran sa mga endurance challenge sa mga motorcycle riders.

Ito ay kasunod ng mga ulat sa dami ng mga aksidente at traffic violations. Partikular na sinita ang mga naganap na aksidente at traffic violations sa isang endurance challenge na inorganisa ng BMW Owners Society of Safe Riders Incorporation o BOSS na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Inilarawan ni Tulfo na reckless, stupid at tadtad ng violations ang sinasabing endurance ride na naglalayong ipromote ang motorcycle tourism. Iginiit ng senador na malinaw naman na ginawa ang karera sa pampublikong lugar na nagdulot ng panganib sa mga motorista.

Idinagdag ni Tulfo na kung payabangan nag nais ng mga motorcycle riders, dapat gawin ito sa contained na lugar at maglatag ng guidelines.

Sa panig ni Ejercito, iginiit na kung ipagpapatuloy ang mga ganitong events, dapat tiyakin ang zero fatality pero kung hindi ito maipapangako mas maiging itigil ang challenge para matigil ang perwisyong dulot nito.

Iniulat na isang rider ang namatay habang sugatan ang driver at pasahero ng nakabanggang tricycle noong 2026 Mindanao Cup ng Boss Ironman.

Sa impormasyon ni Tulfo, isa pang pitong taong gulang ang nasawi sa aksidente subalit patuloy pa umanong bineberipika ng PNP-Highway Patrol Group.

About The Author