dzme1530.ph

DOLE, PINALALAKAS ANG JOB OPPORTUNITIES AT SKILLS TRAINING; 7 BAGONG TUPAD PROGRAMS, INILUNSAD

Loading

Pinalalakas ng DOLE, sa pangunguna ni Secretary Francis Tolentino, ang employment programs at skills training upang maitugma ang kakayahan ng mga manggagawa sa pangangailangan ng industriya.
 
Ayon sa DOLE, mahigit 1.4 million jobseekers na ang natulungan ng mga PESO na makahanap ng trabaho ngayong 2026, na may 91.72 percent placement rate.
 
Kasabay nito, inilunsad ang pitong bagong TUPAD initiatives para matulungan ang mga benepisyaryo na makahanap ng mas pangmatagalang trabaho at kabuhayan.
 
Kabilang dito ang SkillPass, Tropa Negosyo Trabaho, Sagip-Trabaho, KaHANAP, Match Fund LGU, Tulong-Aral, at Trabahong-Dagat.
 
Samantala, iniulat din ang dagdag-sahod sa Central Visayas na ₱42 kada araw para sa mga saklaw na private-sector workers at ₱500 kada buwan para sa mga kasambahay.

About The Author