dzme1530.ph

600 daily COVID-19 cases sa bansa, ibinabala!

Tataas pa sa 600 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa kalagitnaan ng Mayo.

Ito ang ibinabala ng Department of Health (DOH), dahil posible aniyang pumalo sa 611 ang average ng daily covid-19 cases sa Mayo a-15, kung patuloy na isasawalang bahala ng publiko ang ‘Minimum Health Standards’, tataas ang transmission rate at bababa ang lebel ng bakunahan.

Paglilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ‘’projections’’ lamang ito at hindi pa naman nangyayari.

Samantala, kahapon, Abril a-12, nang i-anunsiyo ng DOH ang Go-signal nito sa pagtuturok ng ikalawang booster kontra COVID-19 sa general population at healthy adults na layong mapigilan ang hawaan ng nasabing sakit.

About The Author