dzme1530.ph

Bawas-singil sa kuryente ngayon buwan, asahan na!

Abiso sa MERALCO Customers!

Asahan na ang bawas-singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon sa Manila Electric Company (MERALCO), ipatutupad ang P0.118 per kilowatt hour na bawas-singil para sa April Bill.

Katumbas ito ng P24 na tapyas sa kuryente ng isang tahanang kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour.

Habang, ang mga nakakakonsumo ng average na 300 kilowatt per hour kada buwan ay makatitipid ng P35; P47 sa mga kumukonsumo ng 400 kilowatt hour; at P59 sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.

Ayon pa sa MERALCO ang pagbaba ng singil sa kuryente ay dahil sa mababang generation at transmission charges.

About The Author