![]()
Magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pamahalaan sa maanomalyang flood control projects, may partisipasyon man o wala ang mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na hindi naman sila umaasa lamang sa mga ilalahad at iaalok ng mag-asawang Discaya, kaya makakausad pa rin ang kanilang imbestigasyon.
Nang tanungin kung maaari pang maging state witness ang mga Discaya, ipinaliwanag ni Fadullon na hindi pa nila tiyak kung mayroong hostility hanggang sa makita nila ang statements ng mga akusado.
Nilinaw din nito na hindi awtomatiko na kapag nagbigay ng salaysay at nagbanggit ng mga pangalan ang mga akusado ay agad magdedesisyon ang departamento kung ituturing silang state witness o hindi.
