dzme1530.ph

DPWH executives na nag-a-apply bilang state witness sa flood control scandal, nadagdagan –DOJ

Loading

Isiniwalat ng Department of Justice (DOJ) na nadagdagan ang mga opisyal ng pamahalaan na nag-apply bilang state witness sa isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na pinag-aaralan nila kung saan maaaring maging state witness ang mga nag-apply.

Paliwanag ni Fadullon, hindi maaaring magbigay ang departamento ng blanket immunity, kung saan ang isang testimonya ay tumutukoy sa immunity o admission sa programa para sa lahat ng kasong ihahain.

Hindi naman pinangalanan ng Prosecutor General ang mga aplikante, bagaman mula aniya ang mga ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Idinagdag ni Fadullon na ongoing ang pag-uusap sa pagitan ng mga testigo at prosecutors upang malaman kung ang kanilang statements ay maaaring gamitin sa mga kasong isasampa laban sa mga sangkot sa kontrobersiya.

About The Author