dzme1530.ph

Magnitude 4.2 na lindol tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng Magnitude 4.2 na lindol ang probinsiya ng Davao Occidental kaninang 9:44 ng umaga.

Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong 194 kilometers timog silangan ng Munisipalidad ng Saranggani.

May lalim ang lindol na 67 kilometro at tectonic ang origin nito.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pagkasira sa mga istruktura at aftershocks dulot ng naturang pagyanig.

About The Author