dzme1530.ph

2 katao, sugatan sa pagtama ng M5.8 na lindol sa Leyte

Sugatan ang dalawang indibidwal sa pagtama ng magnitude 5.8 na lindol sa Abuyog, Leyte, 6:16 kagabi.

Batay sa ulat ng Dulag Municipal Disaster Risk Reduction Office, ang mga biktima ay isang buntis na nahimatay saka nahulog sa hagdan at ka-trabaho nitong nagtamo ng foot injury matapos tumalon mula sa mataas na lugar sa kasagsagan ng pagyanig.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang iniwang pinsala ng pagyanig.

Natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol 36 kilometro hilagang silangan ng Abuyog at may lalim na 10 kilometers.

About The Author