dzme1530.ph

P39 per kilo na bigas, ibinebenta sa Kadiwa stores sa NCR

Ibinebenta sa Kadiwa ng Pangulo stores sa Metro Manila ang P39 per kilo na bigas.

Ayon sa Malacañang, simula kahapon hanggang ngayong araw ay magbubukas ang Kadiwa outlets sa Employees Park sa Taguig City Hall, People’s Park sa McArthur Highway, Malinta Valenzuela, at Manila City Hall Inner Court.

Bukod dito, magkakaroon din ng Kadiwa outlets sa ROMVI Subdivision Covered Court sa Brgy. Moonwalk Paranaque City bukas, habang ibebenta rin ang Kadiwa products para sa Camella Homeowners Association sa Brgy. Merville.

Sinabi rin ng Palasyo na ang bigas ang pinaka-mabenta sa Kadiwa stores.

Hinikayat ng Dep’t of Agriculture ang mga residente na sumugod na sa mga ipinwestong Kadiwa outlets sa iba’t ibang lugar sa NCR ngayong buwan.

About The Author