dzme1530.ph

Pagpapataw ng multa sa mga e-bike at e-trike na dumadaan sa National Road, sinang-ayunan

Sinang-ayunan ng Barangay Baclaran sa Parañaque ang regulasyon na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council sa pagpapataw ng multa sa mga e-vehicle at e-tricycle na dumadaan sa National Road.

Isa din kasi sa nagiging problema ng barangay ang pamamasada ng e-trike na sobra kung maningil ng pamasahe sa kanilang pasahero.

Problema din ang mga e-trike kung saan sila ang nagiging sanhi ng buhol-buhol na trapiko dahil sa ginagawang parking ang mga gilid ng kalsada.

Bukod pa rito, isa rin sa pinuproblema ng Brgy. Baclaran ay ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga e-trike at e-bike sa lansangan lalo na sa kahabaan ng Roxas Blvd. at Quirino Avenue.

Samantala, nilinaw ng Brgy. Baclaran na hindi sila tutol sa paggamit ng e-vehicle at e-tricycle subalit mas mabuti anya na magkaroon ng regulasyon ang gobyerno upang maiwasan ang anumang aksidente sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

About The Author