dzme1530.ph

Malacañang, hinimok ang publiko na ipalaganap ang fire awareness ngayong Fire Prevention Month

Hinikayat ng Palasyo ang mga Pilipino na ipalaganap ang fire awareness o kamalayan para sa pag-iwas sa sunog.

Ito ay kasabay ng pag-arangkada ng Fire Prevention Month ngayong unang araw ng Marso.

Sa Facebook post, hinimok ng Presidential Communications Office ang publiko na protektahan ang isa’t isa laban sa sunog.

Ito umano ang magiging daan tungo sa isang handa at matibay na Bagong Pilipinas.

Mababatid na mismong si PCO Sec. Cheloy Garafil ay na-biktima rin ng sunog noong Pebrero.

About The Author