dzme1530.ph

Justine Jazareno ng Akari Chargers, magpapahinga muna sa PVL para tutukan ang pagbubuntis

Magpapahinga muna sa paglalaro sa Philippine Volleyball League (PVL) ang libero ng Akari Chargers na si Justine Jazareno para tutukan ang kanyang pagbubuntis.

Ang anunsyo ay galing mismo VP Global Management, na nagpahayag din ng buong suporta sa 23-anyos na dating La Salle Lady Spiker, na ipinagbubuntis ang panganay na anak.

Inulan naman ng pagbati ng mga fans si Jazareno sa Instagram, na nagpahayag din ng pagsuporta sa bagong kabanata ng buhay ng volleyball player. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author