dzme1530.ph

“Spend, spend, spend”, direktiba ni PBBM sa mga ahensya kaugnay ng 2024 national budget

“Spend, spend, spend”.

Ito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan matapos lagdaan ang 5.768 trillion pesos 2024 national budget.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, nakita ang mababang spending ng gobyerno noong 2nd quarter ng taon, na nagpabagal sa paglago ng gross domestic product.

Kaugnay dito, iniutos umano ng Pangulo sa mga ahensya na bilisan ang paggastos sa 2024 budget.

Kinumpirma naman ni pangandaman na walang direktang vineto ang pangulo sa 2024 general appropriations act, at nagkaroon lamang ng mga kaunting komento para sa tamang implementasyon ng budget alinsunod sa special at general provisions, at implementing rules and regulations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author