Handa ang Philippine National Police (PNP) na tumalima sa mga direktiba ni DILG Secretary Benhur Abalos, sa pagsasabing magbibigay sila ng karagdagang seguridad sa mga opisyal ng pamahalaan.
Inihayag ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na hindi dapat magpaka-kampante ang mga opisyal dahil posibleng atakihin sila ng kanilang mga kaaway.
Sinabi rin ni Azurin na nagpapatuloy ang hot pursuit operations para dakpin ang iba pang indibidwal na sangkot sa pagpaslang kay Degamo.