dzme1530.ph

DILG Sec. Abalos, tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo

Tiniyak ni Interior Secretary Benhur Abalos sa mga residente ng Negros Oriental na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa kanilang gobernador na si Roel Degamo.

Sabado nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan si Degamo sa loob mismo ng bakuran nito sa Barangay San Isidro, sa bayan ng Pamplona, at sa harap ng maraming tao.

Sa press conference, kahapon, sinabi ni Abalos na walang puwang sa bansa ang ganitong karahasan, kasabay ng pagtiyak na huhulihin ang mastermind.

Bago ang press briefing, dumalo ang kalihim at matataas ng opisyal ng PNP at iba pang mga ahensya sa isang command conference sa Negros Oriental Provincial Police Office sa bayan ng Sibulan.

Nilinaw din ni Abalos na walang pattern na nakita sa magkakasunod na pag-atake laban sa mga lokal na opisyal, lalo na sa mga gobernador.

Gayunman, ipinag-utos nito sa PNP na pigilang lumala pa ang mga insidente.

About The Author