dzme1530.ph

Taas-pasahe sa MRT-3, posibleng aprubahan sa susunod na taon

Posibleng aprubahan sa susunod na taon ang petisyon para sa taas-pasaher sa MRT-3.

Pahayag ito ni Transportation Secretary Jaime Baustista, kasabay ng paglilinaw na hindi naman agad ito ipatutupad dahil isinasailalim pa panukala sa review.

Ang fare hike increase ay para sa P2.29 sa boarding fee o 21-centavo increase per kilometer.

Sa sandaling aprubahan ang proposal, ang boarding fee ay magiging P13.29, habang ang distance fare ay P1.21 per kilometer.

Sa kasalukuyan, ang boarding fare sa MRT ay nananatili sa P11 habang ang distance fare ay piso kada kilometro. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author