dzme1530.ph

Dep’t of Health, pinag-iingat sa DOH Health News-Philippines FB page

Nagbabala ang Department of Health sa publiko kaugnay sa isang Facebook Page na tila ginagaya ang account ng ahensya at nagbibigay ng mga anunsyo.

Sabi ng DOH, hindi konektado sa kanila ang DOH Health News-Philippines Facebook Page kung saan ginagamit pa ang kanilang logo.

Ilang larawan ng DOH ang kinukuha din ng nasabing FB Page ng walang pahintulot mula sa ahensiya.

Tinukoy nito na tanging ang Department of Health ang kanilang Official Facebook Page at Twitter account at wala ng iba pa.

Sa naturang FB account at Twitter account lamang daw sila maglalabas ng mga anunsyo, babala at mga aktibidad. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author