dzme1530.ph

DOH, nagbukas ng Hotlines para tumulong sa mga tao na nais ng umiwas sa alak at sigarilyo

Sinimulan na ng Department of Health ang pagtanggap sa mga tawag sa telepono upang tumulong sa mga tao na nais ng umiwas sa bisyo tulad ng alak at sigarilyo.

Ang Hotlines ay ginawa ng DOH upang direktang makapagbigay ng gabay sa kalusugan ang kanilang mga doktor, 24/7.

Maaring Tumawag sa 1550 para DOH Substance Abuse Helpline o sa 1558 para sa DOH quit line.

Muling nagpaaalala ang Kagawaran, na walang maibibigay na magandang dulot ang nasabing mga bisyo kundi pagkasira ng kalusugan.

Kabilang sa mga sakit na dala ng alak at sigarilyo ay ang hypertension, liver disease, digestive problems, road problems at tumataas na tsansa na gumamit ng illegal na droga kapag umiinom ng alak. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author