dzme1530.ph

Iba pang hibla ng buhok na narekober sa inabandonang sasakyan, posibleng galing sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon

Ilan pang hibla ng buhok na hindi pag-aari ni Catherine Camilon ang nakolekta mula sa inabandonang SUV sa Batangas na inuugnay sa pagkawala ng beauty queen.

Ayon kay PNP Spokesperson, Pol.Col. Jean Fajardo, ilan lamang sa mga hair strands ang nag-match sa DNA profile ng nawawalang biktima.

Sinabi ni Fajardo na posibleng galing ang ilang hibla ng buhok sa tatlong lalaki na nakita ng mga saksi na naglipat sa duguang babae patungo sa ibang sasakyan.

Sa ngayon aniya ay ongoing ang forensic examination sa mga narekober na ebidensya at kailangan din ng ibang standard na maaring mapagkumparahan sa resulta ng pagsusuri. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author