dzme1530.ph

Trough ng LPA, makaaapekto sa VisMin

Patuloy na makaapekto ang Trough o extension ng low pressure area (LPA) sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito, ayon sa PAGASA makararanas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Mindanao, Bicol Region, Eastern Visayas at Central Visayas.

Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong araw dala ng trough ng LPA at Localized Thunderstorms.

Sumikat ang araw kaninang 5: 47 ng umaga at lulubog naman mamayang 5:40 ng hapon.

About The Author