dzme1530.ph

House Speaker Romualdez, nagpaabot ng pagbati sa ika-66 kaarawan ng Pangulo

Nanguna si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa hanay ng mga kongresista sa pagbati ng Happy 66th Birthday kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Sa mensahe ni Romualdez, ang istilo umano ng pamumuno ng Pangulo ay sumasalamin sa kagustuhan nitong mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino ay kahanga-hanga.

Bilang Speaker of the House at taga-suporta sa mga plano ng Presidente, personal niyang nasaksihan ang hindi matatawaran nitong commitment para mapaunlad ang bansa.

Si Romualdez ang ‘most trusted allie’ at madalas kasama sa mga lakad ng Punong Ehekutibo sa loob at labas ng bansa ay saksi sa pagpupursigi at dedikasyon nito na maiahon ang mga Pilipino sa masamang epekto ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng 8-point socio-economic agenda.

Ayon pa sa presidential cousin, dapat ding maramdaman ni Pangulong Marcos ang espesyal nitong araw sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

Si Marcos ay naka-schedule na magtungo sa Singapore para dumalo sa 10th ASIA Summit at nakatakdang manood ng Formula-1 Grand Prix matapos itong imbetahan ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author