dzme1530.ph

121 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala!

Pumalo na sa 4,111,311 ang total caseload ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 121 cases kahapon.

Nasa 2,670 ang aktibong kaso habang 127 ang bagong recoveries kaya’t umabot na sa 4,041,980 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Nakapagtala naman ng 7 new deaths kaya’t sumirit na sa 66,681 ang mga namatay dahil sa virus.

Samantala, ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, posibleng umabot sa 100 hanggang 150 ang case projection ngayong araw. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author