dzme1530.ph

SWS, POGO nakakapinsala sa mga Pilipino

MAYORYA sa mga Pilipno ang  naniniwala na nakapipinsala lamang sa bansa ang  presensya ng Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO.

Ito ay batay sa  survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 noong nakaraang taon.

Sa survey, lumitaw na 58% ng mga respondent ang nagsabing  nakakasama ang operasyon ng mga POGO sa bansa  habang 19% lamang ang nagsabi na kapaki-pakinabang ang operasyon nito.

Kabilang sa mga dahilan kaya  naniniwala ang mga respondent na nakapipinsala ang industriya ng POGO ang paglaganap ng mga bisyo, pagtaas ng insidente ng krimen na may kaugnayan sa POGO na kinasasangkutan ng mga Chinese national, tax evasion ng POGOs, pagtaas ng bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga POGO, walang karagdagang oportunidad na ibinigay sa mga Pilipino,  at pagtaas ng halaga ng upa, tirahan, o mga ari-arian ng negosyo.

Una nang inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian na binubuo na ng Senate Committee on Ways and Means ang committee report kaugnay sa mga pagdinig ng komite sa mga epekto ng POGO operations sa ekonomiya.

Ang resulta ng survey ay mahalagang bahagi ng data na kanilang isinasaalang-alang dahil ang ito ang kumakatawan sa mga sentimyento ng mga Pilipino.

About The Author