dzme1530.ph

Pinoy, kritikal matapos mabaril sa Hongkong

Kinumpirma ng mga otoridad sa Hong Kong na nasa kritikal na kundisyon ang Pinoy sa Hong Kong na nabaril ng mga otoridad doon matapos na manlaban sa pulis na umaaresto sa kanila.

Ito ay matapos na magtamo ng 3 tama ng bala sa kamay at dibdib ang 43-anyos na Pinoy.

Nabatid na unang nagresponde ang Hong Kong Police matapos na magreport ang kapitbahay ng mga Pinoy sa ingay ng mga ito.

Gayunman, sa halip na sumuko ng maayos ay nanlaban pa ang Pinoy at sinaktan ang arresting officers kaya siya pinaputukan ng mga ito matapos na hindi pa rin tumigil sa pananakit sa kabila ng verbal warning sa kanya.

Agad naman itong isinakay sa helicopter at isinugod sa ospital.

Dalawa ding Hong Kong police ang nasugatan sa insidente at isinugod sa pamagutan sakay ng chopper.

Isa pang kapwa-Pinoy ang naaresto kasama ang anim na iba pa na hindi kinilala ang mga nasyonalidad.

About The Author