dzme1530.ph

Baby no. 2 nina Vic Sotto at Pauleen Luna, babae ulit?

Babae ulit ang magiging anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Pauleen ang mga litrato mula sa gender reveal party na inorganisa nina Danica Sotto at Joy Sotto.

Nito lamang Hulyo ay kinumpirma ni Pauleen ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Vic.

Ikinasal ang dalawa noong 2016 at isinilang ang kanilang panganay na si Tali noong 2017. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author