Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Plant industry na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba’t-ibang agricultural products dala ng anim na pasahero mula sa iba’t-ibang bansa.
Kaugnay nito aabot sa 66.1 kgs na mga prutas na kinabibilangan ng 8.5 kgs na cherries dala ng isang pasahero mula Korea.
21kgs na Manga dala naman ng pasahero mula Malaysia.
Kumpiskado din ang 10kgs na Manga mula Bangkok, habang 20kgs naman na lansones, 2kgs na Makopa at 1.7kgs naman Persimmon ang nakumpiska mula sa tatlong pasahero mula Guangzhou.
Kinumpiska din ng BPI ang 2.9 kgs na Cherries at Peaches dala naman ng isang pasahero mula China.
Ayon sa BPI ang mga naturang produkto ay walang mga kaukulang permit na naharang ng Bureau of Customs kung saan mahigpit itong ipinagbabawal na makapasok sa bansa dahil sa pinangangambahan peste na dala nito.
Ang mga prutas ay dadalhin ng BPI sa kanilang facility para sa tamang disposal. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News