dzme1530.ph

Microsite para sa 2016 Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas Inilunsad ng DFA

Inilunsad ng Department of Foreign Affairs ang isang mircosite bilang paggunita sa ika-7 anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, laman ng nasabing microsite ang mga isinumiteng dokumento ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration.

Umaasa naman si Manalo na magagamit ng publiko ang mga nasabing materyal upang maintindihan ang napakalawak na isyung kinakaharap ng Pilipinas sa South China Sea at West Philippine Sea.

Nakatanggap naman ang DFA mula sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagkuha at pag-secure ng mga materyal, partikular mula sa Presidential Communications Office at National Mapping and Resource Information Authority.

Sinabi ni Manalo na ito ay panimulang katuparan sa pangako ng DFA na magkaroon ng mas mabuting pag-unawa sa 2016 Arbitral Award bilang ambag ng Pilipinas sa mapayapang paglutas ng mga dispute sa pamamagitan ng international law. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author