dzme1530.ph

TVJ naghain ng reklamo laban sa TAPE, GMA-7

Naghain ng reklamo sina Tito, Vic at Joey laban sa GMA Network at TAPE Inc. dahil sa copyright infringement at unfair competition.

Isinumite ng TVJ ang reklamo noong June 30, 2023 matapos ipalabas ng TAPE at GMA ang ilang episodes nito sa Eat Bulaga ng walang permiso at iginigiit na may karapatan ito sa paggamit ng pamagat ng palabas.

Kahapon, natanggap ng TAPE at GMA ang summon na ipinadala ng Marikina City Regional Trial Court Branch 273 at inoobliga sila na magsumite ng kanilang sagot sa loob ng 30-araw.

Sa kasalukuyan, nag-a-apply para sa paglalabas ng Writ of Preliminary Injunction ang TVJ.

Una rito, ibinahagi ni Joey de Leon sa kaniyang Instagram post na siya ang utak o nag-imbento ng pangalang Eat Bulaga nang maisip niya ito habang nagkakape sa kusina ni Tito sa White Plains noon pang 1979.

About The Author